Lipat-buhay, lipat-bahay

•4 Mayo 2007 • Biyernes • Mag-iwan ng Puna

Sinumulan ko magsulat ng kolum na Pulsong Pinoy noong 1999 sa Tumbok, isang tabloid na noon ay pag-aari pa ng mga Gokongwei at isang sister publication ng Manila Times, kung saan nagkapagtrabaho rin ako, bago ako pumasok bilang copy editor ng FHM.

Nang maisipan ko ang magtayo ng sariling maliit na coffeeshop, at umalis ako ng FHM, medyo natigil ang pagsusulat ko. Malaking kabalbalan ang coffeeshop. Tumagal lang ako ng ilang buwan, dahil kinapos na sa pondo at lakas — dahil ko ang boss at ako na rin ang kaisa-isang empleyado ng sarili kong tindahan.

Ibinalik ko ang column ako sa Tumbok, na nabili na ng grupo ng Inquirer. Pero di naman sila nagpalit ng mga tauhan, napagbigyan ako uli ng mga dating editor na magsulat, na ginawa ko naman sa loob ng dalawang taon, bago ako nagsawa uli.

Ngayong nasa GMANews.TV na ako, at medyo naging regular na naman ang takbo ng buhay, naisipan kong buhayin uli ang Pulsong Pinoy, kahit wala namang magbabayad nito tulad ng dati. Pero dito na lang muna sa Internet.

Siya nga pala, tungkol ito sa mga sa kung anu-anong mga bagay na nakahuli ng interes ko. Sana magka-interes din kayo.

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.